Friday, May 05, 2006

Cinco de Mayo

Gusto ko lang ibahagi ang ilan sa mga litratong kinunan ko noong namiesta kami ng pamilya ko sa bayan ng nanay ko noong Miyerkules. Tutal, panahon na naman ng Santacruzan ngayon. Ilan beses ko nang napanood ito, pero hindi naman masyado nakakasawa. Nakakaaliw lang panoorin ang mga taong lumalahok sa mga ganitong selebrasyon, mula sa mga sagala’t konsorte, sa mga parlorista’t kosturera, hanggang sa mga manonood na umaabang sa pagdating ng prusisyon.

ILAN SA MGA SAGALA:


PAGHAHANDA SA PRUSISYON:









ANG MISMONG SANTACRUZAN:


















(Karapatang-ari © 2006 ni A.I.D.)