Friday, November 25, 2005

Paraisong Pamilihan

168 SHOPPING MALL: Palaki nang palaki ang gusaling ito sa Divisoria.

Eksaktong isang buwan na la
ng bago mag-Pasko, at kahit ganitong kaaga'y marami nang tao ang bumibili ng mga regalo. Kasama na rito ang nanay at ate ko, kaya kaninang umaga kinaladkad nila ako sa Divisoria, ang paraisong pamilihan ng Maynila. Nang umuwi na kami, ako’y naging isa pang pares ng mga kamay, karga-karga ang kanilang mga bilihin. Wala akong binili ngayon, at hindi na ako nagugulat doon; kailangan ko ng dalawa o tatlo pang pagluwas sa Divisoria—sa 168 Shopping Mall—para makumpleto ang aking pagsha-shopping. Ganyan ako kabusisi (o kabagal) bumili ng mga regalo. Ganyan ang nangyari sa akin noong huling taon.

Marami kang makikitang mga interesanteng bagay sa Divisoria. Doon sa bagong bukas na Meisic Mall, may nakita akong dalawang bagay na 'di ko matiis na hindi kumuha ng mga litrato.


COUGHING AND SCREAMING ASHTRAY: Pang-asar sa mga mahilig manigarilyo.


MOSQUITO NET: O, ano'ng masasabi niyo sa sosing kulambo ng bagong milenyo?