Mga punyetang pop-ups!
Ibang klase ang mga pop-ups ngayon. Halos lahat ng mga websites na madalas kong binibista ay may biglang lalabas na ad window sa monitor ko. Pakshet. Noong huling linggo, habang may hinahanap ako sa Google, may lumabas na window na akala ko galing sa Microsoft. Eto, sa katangahan ko kinagat ko ang mensahe. At ano’ng nangyari? Ayun, walang katapusang pagsulputan ng sankaterbang mga pop-up ads. Napilitan tuloy akong i-reformat ang laptop ng erpats ko. Tangina talaga.
Lintek, sobrang agresibo ang mga pop-ups ngayon. Sa cyberspace, kahit saan ka pa lumiko, may makakasalubong ka. Walang iwasan. Isang maling pindot, at ayun, mai-infect ang computer mo; nakakadismaya na marami sa kanila, mga Trojan horses na nagdadala ng mga punyetang viruses. Akala mo mahahadlang ito ng mga pop-up blockers? Ha!
At least, mukhang ligtas sa ngayon ang desktop computer ko, salamat sa Panda Antivirus. Sinipa niya ang mga spyware at adware na nakabaon sa hard drive ko na hindi nagawang tanggalin ng Norton at McAfee. Hanep. Kahit medyo bumagal nang kaunti ang desktop, OK lang, basta ‘di ako iistorbohin ng mga bwisit na pop-ups na iyan.
Wala lang. Trip ko lang patalasin ang dila ko, ika nga.
<< Home